Huwebes, Nobyembre 22, 2012


MAPAGLARONG PAG-IBIG



Mahirap bang magmahal ng tunay?
Tanong ko sa mga  taong di kuntento ng isa,
Kung bakit pa nila kailangang himanap ng iba,
Kung ang tunay na pag ibig ay nandyan na


Di' ba nila naisip na may nasasaktan na sila
Sa mga paglalarong ginagawa nila,
Mahirap ba talaga umibig ng isa,
Kung bakit pa kailangan humanap ng iba.


Masakit isipin na niloloko ka lang pala niya ,
Na kung sayo ay tunay na mahal mo siya,
Na halos ibigay mo na lahat para sa kanya 
Di 'ba niya naisip na tunay na pag ibig nandyan na.


Mapaglaro talaga ang tadhana kung bakit pa niya ginawa
Ang pag ibig na pinaglaruan lang pala
Sana di na lang nakilala
Ang taong manloloko lang pala.


Ito'y nagsilbing aral sa aking nakaraan 
Nasa ngayon ay aking nalaman
Tunay na pag ibig ay makabuluhan 
Kaya dapat mahalin at ingatan. .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento