Pag-ibig nga naman
Isang taong napakahalaga
Sa tuwing siya'y akin kasama
Hatid sakin ay ligaya
Puso ko'y napalulundag sa saya
Ganito nga ba talaga ?
Kung bakit batang isip ko'y ng iba
Halos di makatulog
Kakaisip sakin irog
Matinong isip ay biglang umiba,
Nalilito ,natataranta
Napapaindak at napapakanta
Hay!!! pag-ibig nga naman
Siya ang nagsilbing inspirasyon
Sa lahat ng panahon
Araw ko'y walang sigla
Pag hindi siya kasama
Sana iyong maintindihan
Kung minsan may pagkukulang
Pero wag mag-alala
Pag-ibig ko'y di kayang humanap ng iba
Oh'aking mahal
Buhay ko'y sayo nakalaan
Pagkat dito sa puso ko'y ikaw lang
Hindi ka iiwan kailan man
Pag-ibig nga naman
Tunay na makabuluhan
Kaya dapat alagaan at wag pabayaan
Kung ayaw mong masaktan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento