TAO NGA NAMAN
Ako'y naligaw sa madilim na gubat
Aking hinanap sariling pugad
Hindi nag laon aking natagpuan,
Sariling kong pugad puno ng katanungan
Buhay ng tao'y talagang misteryoso
Maraming katanungan hindi maamo
May mabuti at masamang tao
Na siyang bumubuo sa ating mundo
Sa buhay nating madaling maging tao
Subalit mahirap magpakatotoo
Kung ika'y mabuti hinahangaan
Kung ika'y masama kinaiinisan
Di ba't pantay pantay tayo na nilikha ng Diyos?
Pero bakit sa mundong ito
May mga taong hindi makuntento
Sa mga bagay na ipinagkaloob sa kanila
Tao nga naman
Walang pantay na panindigan
Mapa tama man o mali
Basta't maka lamang lang sa kawpa 'y masaya na
Kailan pa tayo magbabago??
Kung katapusan na ng mundo
Hindi pa huli para tayo'y mag bago
Kaya dapat na nating simulan sa ngayon
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento